Sunday, October 9, 2011

Ilang beses na ba?

Ilang beses ka na bang nakakita ng taong naghuhubad ng damit sabay reklamo kasi ang init na ng panahon?

Ilang beses ka na bang nakakarinig ng isang mamimiling panay ang bagulbol dahil sadyang ang mamahal ng mga bilihin?

Ilang beses ka na bang nakarinig ng magpakapitbahay na nag-aaway dahil sa mga tsismis ng buhay?

Ilang beses ka na bang nakakakita ng mga batang walang makain dahil sa hirap ng buhay?

Ilang beses ka na bang nakakakita ng mga nagpapanggap na tauhan ng Diyos para lang kumita at may maihatid sa mesa ng kanilang pamilya?

Ilang beses ka na bang nakakatikim ng mga pagkaing bulok na at dapat ay nasa basurahan na?

Ilang beses ka na bang nangopya ng mga sagot ng kaklase mo dahil sadyang ikaw ay walang ginawa kundi ang mag-enjoy sa labas?

Ilang beses ka na bang bumoto ng mga pulitikong puro lang naman pangako ang laman ng kalooban?

Ilang beses ka na bang nakakagawa ng mga maling desisyon sa buhay?

Ilang beses na nga ba?

No comments:

http://sultanvon.blogspot.com/